Ang inyong mga karapatan bilang biktima ng krimen

 

Departamento ng Tagausig Panlahat ng NSW

 

 

Sino ang biktima ng krimen?

 

Ang isang biktima ay isang taong tuwirang nasaktan dahil sa kasalanang kriminal na ginagawa ng isang tao.

 

Kasama sa pananakit na ito ang pisikal, emosyonal o sikolohikal, pagkamatay ng miyembro ng pamilya, at pagkasira ng mga ari-arian.

 

 

Bakit may Saligang-Batas ng mga Karapatan ng mga Biktima?

 

Ang Saligang-Batas ng mga Karapatan ng Biktima ay bahagi ng Batas sa Karapatan ng Biktima 1996. Binibigyan nito ng proteksiyon ang mga karapatan ng mga biktima at tinitiyak na mahusay silang kinakalinga.

 

Ipinakikita ng Saligang-Batas kung paano dapat tratuhin ang mga biktima ng krimen ng mga departamento ng pamahalaan, tulad ng pulis, hukuman, mga serbisyo sa kalusugan at ang DPP.

 

 

Ano ang tungkulin ng Kawanihan ng mga Biktima ng Krimen?

 

Ang KAWANIHAN NG MGA BIKTIMA NG KRIMEN ay siyang sumusubaybay sa pag-papairal ng Saligang-Batas ng mga Karapatan ng mga Biktima ng NSW. Kung nais ninyo ng kopya ng Saligang-Batas ng mga Karapatan ng mga Biktima, kinakailangang makipag-usap o liwanagin ang anumang pagkabahala o nangangailangan ng impormasyon tungkol sa tanggapan sa pagrereklamo ng isang departamento ng pamahalaan, makipag-alam sa KAWANIHAN NG MGA BIKTIMA NG KRIMEN.


 

Ano ang aking mga karapatan bilang biktima ng krimen?

 

Bilang isang biktima ng krimen kayo ay may karapatang tratuhin nang may respeto, paggalang, pang-unawa ng lahat ng departamento ng pamahalaan.

 

Mayroon din kayo ng sumusunod na mga karapatan:


 

Ano ang aking gagawin kung hindi ako nasiyahan sa ginawang pagtrato sa akin ng departamento ng pamahalaan?

 

May karapatan kayong makipag-usap tungkol sa isyu na nauukol sa departamento.

 

Sa una, sabihin sa taong may hawak ng inyong kaso sa departamento ng pamahalaan ang tungkol sa inyong pagkabahala. Kalimitan, ang mga pagkabahala ay nalulutas sa pamamagitan nito. Kung hindi pa rin kayo nasisiyahan makipag-usap sa isang may nakatataas na katungkulan sa nasabing departamento.

 

Kung patuloy parin kayong hindi nasisiyahan, makipag-usap sa opisyal na tanggapan sa pagrereklamo ng departamento.

 

Ang lahat ng departamento ng pamahalaan ay may palakad na sinusunod kung nais ninyong magreklamo at kailangang ipaalam nila ito sa inyo.

 

Kung matapos ang inyong pagreklamo mayroon pa rin kayong pagkabahala, maaari ninyong kausapin ang Kawanihan ng mga Biktima ng Krimen upang malaman kung anong ibang tulong, kung mayroon man, ang maaaring ibigay sa inyo sa ilalim ng Saligang-Batas.

 

 

 

 

 

 

 

PAKIKIPAG-USAP SA

KAWANIHAN NG MGA BIKTIMA NG KRIMEN

 

TELEPONO

(02) 9374 3000 o

1800 633 063

(Walang bayad sa labas ng Metropolitan Sydney)

 

SERBISYONG TTY PARA SA MAY KAPANSANAN SA PANDINIG:

(02) 9374 3175

 

SERBISYO SA PAGPAPALIWANAG

131 450

 

PAKS:

(02) 9374 3020

 

DIREKSIYONG POSTAL

Locked Bag A5010

Sydney South NSW 1235

 

WEB SITE ADDRESS:

www.lawlink.nsw.gov.au/vcb

ISBN 07313 95182