Anti-Discrimination Board
spacer
print  Print page  
Filipino: What can I do if I have been discriminated against in New South Wales?

Tagalog: Naranasan na ba ninyo ang di-makatarungan o way diskrizinasyong pagkatrato?

May ilang mga uri ng pagkatratong di-makatarungan (may diskriminasyon) na labag sa batas.

Narito ang ilang mga halimbawa ng pagkatratong di-makatarungan (may diskriminasyon) na labag sa batas:

  • Palagi kayong pinagtatawanan ng mga katrabaho mo dahil galing ka sa ibang bansa
  • Tinanggal kayo sa trabaho ng inyong pinaglilingkuran dahil buntis ka
  • Ayaw ipaupa ang may-ari o ahente ng real estate ang isang bahay o tirahan dahil wala kayong asawa, dahil kayo'y may mga anak o dahil galing kayo sa naiibang kultura
  • Sa pinapasukan may humawak sa inyong katawan na di ninyo kagustuhan o may nagbabanggit sa inyo tungkol sa seks na di ninyo kagustuhan

Sa pangkalahatan, kung mayroon mang tumatrato sa inyo ng dimakatarungan o nagdidiskriminasyon sa inyo dahil sa inyong:
  • lahi, kulay, wika, o punto ng pananalita
  • kasarian (dahil ikaw ay isang babae o dahil ikaw ay isang lalaki)
  • pagkabuntis
  • gulang
  • kapansanan (kapansanan sa katawan, kakulangan sa pag-iisip, kakulangan sa katinuan o kapansanan sa pag-aaral)
  • estado (dahil may asawa, walang asawa, may kabahay, hiwalay sa asawa, biyuda o dibursiyada)
  • homosekswal (dahil bakla o tomboy)

May magagawa kayo tungkol nito.

Upang malamam kung kami'y makatutulong sa inyo, tumawag sa:

  • The Anti-Discrimination Board - Sydney (02) 9268 5444, Newcastle (02) 49926 4300, Wollongong (02) 4222 9960 o libreng tawag sa 1800 670 812,
  • Teletypewriter para sa mga bingi o nahihirapan sa pagdinig (02) 9310 2376,
  • Translating at Interpreting service para sa tagasalin sa telepono 131 450

makipagkita sa community worker sa inyong lugar.




Previous Page | Back to Lawlink Home | Top of Page
  Last updated 19 November 2007   Crown Copyright ©  
Hosted by agd logo
Lawlink NSW